![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhK2jQXAvMDFaU9HUPYG6sGFDLaIQ7ZgI7Oyi10q61GmfsZvMuIhzCs99l7XbQQ1C4ziJvRoM1hiypJC6Roqnwo59tKI3LWeNnK4e2Bo6X22JRPiNU8kQprbFnTyOkhJzHcSsGqLNt6U4MU/s400/vote_buying_001_02.jpg)
Bawat eleksyon umaasa tayo sa pangako ng mga kandidato. Bawat eleksyon pera ang ibinibigay sa marami? Masaya na ba tayo doon? Pagkatapos mahalal ano ang nangyayari? Lalabas tayo sa kalsada at magwewelga? Magpepeople power na naman?
TAMA NA, BAGUHIN NA NATIN ANG ATING ISTORYA.
Bawat Pilipino ay humihiling ng pagbabago. Pagbabago na kailangan ng bansa upang umunlad ang ating pamumuhay. Ngunit sino ba talaga ang dapat na magbago? Hindi ba't dapat ay tayo ang unang gumagawa ng hakbang? Nasa ating kamay ang kapangyarihan upang makapaghalal ng mga bagong mamumuno. Mga karapat-dapat na pulitiko, mapagkakatiwalaang mga senador, responsableng mayor, mga tapat na congressman. Ngunit anong nangyayari? Nagkakaroon ng mga pagsusuhol, vote-buying at kung anu-ano pang hindi makatarungang gawain ng mga tumatakbong pulitiko. Puro na lang pangako na wala namang katotohanan, mga matatamis na salita na akala mo'y matutupad ngunit parang bula namang mawawala. Kailan ba talaga mababago ang ugali nating ito? Tayo ang nararapat na magbago. Tayo ang may problema dito. At tayo lang ang makagagawa ng solusyon para maiwasan na ang ganitong sitwasyon.
Bumoto ng Tama.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento