Sabado, Hunyo 15, 2013

Ramdam Mo Ba?

P-NOY


              Ramdam mo ba? Kailan ba nasabing umunlad talaga ang ating bansa? Muli na namang napalitan ang namumuno sa ating bansa. Ito na ba ang bagong pag-asa ng mga mamamayang Pilipino? Umuunlad nga ba ang ekonomiya ng bansa gayong sya ang namumuno?
             Maraming pagbabago ang naganap. Ngunit lahat ay di tulad ng mga inaasahan ng bawat mamamayan. Tulad ng mas lumolobong populasyon ng bansa, mas dumami ang mga kabataang walang sapat na edukasyon, at higit sa lahat, naaapektuhan ang ating kalikasan. Ang malaking populasyon ay may negatibong epekto sa kalikasan. Kung malaki ang populasyon, nai-stress ng husto, at kinukulang ang natural resources ng isang bansa at kasabay na nakokonsumo ang enerhiya. Ngayon pa nga lang ay ramdam na natin ang krisis sa tubig at kuryente. Hindi lang ang ‘global changes’ sa klima ang ugat nito kundi malaking bahagi rin ang dumaraming tao sa Pilipinas. Ang paglobo ng populasyon ay nagdudulot din ng negatibong epekto sa moralidad. Kapag kumakalam ang sikmura ng isang pamilya, hindi na maituro ang tamang prinsipyo at magandang asal sa mga bata. Imbes na respeto at pagmamahal sa kapwa ay ‘survival instinct’ ang namamayani sa mga tahanan. Tunay na napakaseryosong problema ang populasyon. Napakahalagang mapagtuunan na ito ng karampatang atensyon at malapatan ng mga kongkretong hakbang bago pa sumabog sa pagmumukha natin ang isa na namang krisis. Ngunit mapapansin natin na ang dapat na unang gumawa ng hakbang ay ang namumuno sa ating bansa. Pero iba ang mga bagay na pinagtutuunan ng pansin at sinasabing tumataas ang ekonomiya ng bansa. Totoo ba? Ramdam mo ba?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento