Linggo, Hunyo 30, 2013

Matandang Paniniwala

   Ang pamahiin ay isang walang basehang paniniwala hinggil sa mga bagay bagay na wala namang relasyon sa isa't-isa. Aminin man o hindi, malaki ang nagagawang impluwensya ng mga pamahiin sa usaping kultura, buhay, kabiguan, tagumpay, kalungkutan at kaligayahan ng mga Pilipino.    Maraming pamahiin ang sinusunod natin, ito ay namana natin sa mga nakakatansa satin. Ang hindi pagsunod sa pamahiing ito ay nagdudulot ng kamalasan, o kaya'y kamatayan, ayon sa mga nakakatanda. Ang kaugaliang ito ay ang paniniwala sa isang bagay, pangyayari o gawain ng tao. Ang pamahiin ay isang matandang kaugalian na namana pa natin sa ating mga ninuno. Mas kalat ang mga pamahiin sa mga lugar na malayo sa kabihasnan lalo na ang mga nakatira sa mga malalayong lalawigan. 
Itim na pusa - MALAS ?
    Ang paniniwala sa mga pamahiin ay naging panuntunan ng pang araw-arw na pamumuhay ng isang tao, pati na rin sa mga babala nito sa bawat gawain o kilos na gagawin mo ngunit ang ilan ay kinaiinisan ang mga pamahiin. Sinasabing walang katuturan at hindi ito makatotohanan. Kung ang ilan ay ingat na ingat sa kanilang mga kilos, ang ila'y tinatawanan at parang walang pakealam. Ngunit may iilan pa din na patuloy na naniniwala. Maaaring ginagawa nila ito bilang pagrespeto at pagbibigay galang sa mga nakatatandang nagpayo sa kanila na sumunod sa pamahiin. Sabi nga ng mga matatanda, "Wala namang mawawala kung susunod ka, kaysa magsisis ka sa huli dahil sa hindi ka naniwala".

Sabado, Hunyo 15, 2013

Ramdam Mo Ba?

P-NOY


              Ramdam mo ba? Kailan ba nasabing umunlad talaga ang ating bansa? Muli na namang napalitan ang namumuno sa ating bansa. Ito na ba ang bagong pag-asa ng mga mamamayang Pilipino? Umuunlad nga ba ang ekonomiya ng bansa gayong sya ang namumuno?
             Maraming pagbabago ang naganap. Ngunit lahat ay di tulad ng mga inaasahan ng bawat mamamayan. Tulad ng mas lumolobong populasyon ng bansa, mas dumami ang mga kabataang walang sapat na edukasyon, at higit sa lahat, naaapektuhan ang ating kalikasan. Ang malaking populasyon ay may negatibong epekto sa kalikasan. Kung malaki ang populasyon, nai-stress ng husto, at kinukulang ang natural resources ng isang bansa at kasabay na nakokonsumo ang enerhiya. Ngayon pa nga lang ay ramdam na natin ang krisis sa tubig at kuryente. Hindi lang ang ‘global changes’ sa klima ang ugat nito kundi malaking bahagi rin ang dumaraming tao sa Pilipinas. Ang paglobo ng populasyon ay nagdudulot din ng negatibong epekto sa moralidad. Kapag kumakalam ang sikmura ng isang pamilya, hindi na maituro ang tamang prinsipyo at magandang asal sa mga bata. Imbes na respeto at pagmamahal sa kapwa ay ‘survival instinct’ ang namamayani sa mga tahanan. Tunay na napakaseryosong problema ang populasyon. Napakahalagang mapagtuunan na ito ng karampatang atensyon at malapatan ng mga kongkretong hakbang bago pa sumabog sa pagmumukha natin ang isa na namang krisis. Ngunit mapapansin natin na ang dapat na unang gumawa ng hakbang ay ang namumuno sa ating bansa. Pero iba ang mga bagay na pinagtutuunan ng pansin at sinasabing tumataas ang ekonomiya ng bansa. Totoo ba? Ramdam mo ba?

Linggo, Hunyo 9, 2013

Piraso ng Nakaraan



Isang mala anghel na tinig ang gumigising sa aking diwa. Kay sarap pakinggan. Kay lumanay pagmasdan ang isang imahe ng magandang babae na nagsasabing " Gumising ka na, isa na namang umaga ito ng pagsasaya. " na batid na makikita mo sa kanyang mukha ang saya at ligaya. Ngunit ano ito? Hindi ligaya at ngiti ang nakikita ko sa kanyang labi. Mga matang nakikiusap at may ngilid ng mga luha na papatak anumang sandali. Bakit? Gusto ko siyang hawakan. Gusto kong punasan ang luha sa kanyang mga mata. Ngunit anong nangyayari? Hindi ko maikilos ang aking katawan. Hindi ko magawang magsalita. Kahit anong sigaw ko ay walang lumalabas sa aking bibig. Isang mahigpit na yakap ang yumapos sa aking katawan. Napakainit. Ang sarap sa pakiramdam. Ngayon ko lamang napagtanto, na ako'y nasa isang puting kwarto. Kasama ang ina at ama ko. Matiyaga nila akong binabantayan. Isang sakit ang dumapo sa akin. Isang karamdaman na nagpakaba at nagpa-kabog sa damdamin ng bawat isa. At ngayong ako'y malaki na at nasa tamang pag-iisip na, kaysarap muling balikan ang piraso ng nakaraan na batid mong may mga taong handang magmahal at umalalay sayo, sa kabila ng mga pagkukulang mo. Na sa anumang mga pagsubok sa buhay na kakaharapin mo, may isang ina at ama ka na handang umalalay at samahan ka, hanggang sa huling araw nila sa mundo.

Sabado, Hunyo 8, 2013

You should better know me :)

cute ko ba ? 
  HELLO :)

 First time ko gumawa ng blog . MWUAHAHAHA :*
Ako nga pala si HEIDI ROSE CARPIO BAYLON or pwede nyo na rin akong tawaging DHEE para masaya xD .. nye nye . mahilig ako sa music at mahal na mahal ko ang pagkaen :)) isa akong tahimik na bata pero syempre sa umpisa lang yun ! pag tropa  na tayo nagiging madaldal na ko :P mahilig ako magdrawing lalo na pag bored :) tsaka ung likod nam notebooks ko puro doodle xDD 


isa akong matabang siopao <3 cute po ako :P


MUST WATCH OUT DAHLING :))

1. mahilig ako sa music.
2. favorite band ko ung secondhand serenade ( mostly ung awake nila but lahat na din siguro xD :)) )
3. kapag busy ako wag mo kong kukulitin kase nangangain ako ng tao . (madali uminit ung ulo ko ee .. pero depende un syempre ,kapag nakakainis ka na.. DISTANYA. )
4. nakipagsuntukan nako sa lalaki :D (nung gradeschool :P)
5. mahilig ako kumaen
6. tawag nila sakin siopao :*
7. mataba DAW ako . (wag ka maniniwala)
8. bestfriend ko si panget ^_^
9.crush ko si KEAN ng callalily
10. i love DOODLING <3